Posts

Showing posts from May, 2022

Metro Manila nasa 'strict security measures' - NRCPO

Image
  Dateline Kamuning Hinigpitan ang seguridad sa loob ng Metro Manila matapos ang insidente ng mga pagsabog sa Mindanao, ayon sa hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Ayon kay Police Maj. Gen. Felipe Natividad, Director ng National Capital Region Police Office (NCRPO) iniutos niya ang mahigpit na pagpapatupad ng ‘security measures at pagpapataas ng police visibility’ sa buong NCR kasunod ng pambobomba ng bus sa Koronadal, South Cotabato at isa pang pagsabog sa bus terminal sa Tacurong, Sultan Kudarat. Nagkaroon din ng kambal na pagsabog sa Isabela City sa Basilan kahapon ng Lunes. Nauna nang sinabi ni Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr. na tinitingnan ng mga imbestigador ang anggulong pangingikil bilang posibleng motibo sa pag-target sa bus liner. Samantala, nanawagan si Natividad sa publiko na maging mapagmatyag at agad ipagbigay alam sa mga otoridad lalo na sa mga pulis ang anumang mga kahinahinalang grupo sa kanilang

Soberanya ng Pilipinas, mananatiling sagrado — PBBM

Image
  Dateline Kamuning Tiniyak ni incoming President Bongbong Marcos na hindi makokompromiso ang soberanya ang Pilipinas at mananatilihing sagrado. Tugon ito ni Marcos, sa kanyang kaunaunahang pagharap sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps nang matanong kaugnay sa magiging foreign policy ng kanyang administrasyon. Ayon kay PBBM, nakaangkla ang kanyang ‘foreign policy’ sa prinsipyo ng ‘ friends to all, enemy to none.’ Diin pa ni PBBM, makailang ulit na niyang inihayag na hindi niya hahayaang mapanghimasukan kahit pa ang maliit lang na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.

No CCTV, no business permit - DILG

Image
  Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lungsod at munisipalidad na magpatibay ng ordinansa, na mag-oobligang gawing requirement sa pagkuha ng business permit ang paglalagay ng closed-circuit television (cctv) system sa mga business establishment. Base sa inilabas na DILG Memorandum Circular (MC) No. 2022-060, kabilang sa pinapakabitan ng CCTV ay ang mga bangko, pawnshops, money lenders, at mga money remittance service kasama na ang kanilang branches.   Pinasasama rin ng DILG ang mga shopping mall, shopping center supermarkets, wet markets; medical facilities gaya ng ospital, klinika, at mga   laboratoryo. Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, Chairperson ng National Peace and Order Council, asahan na muling magbabalik ang criminal activities sa harap ng pagpasok ng bansa sa pre-pandemic na health situation.

Kampo ni BBM ipababasura ang disqualfication proceeding sa Korte Suprema

Image
    Ipababasura ng kampo ni incoming President Bongbong Marcos Jr.,   ang petisyon ng grupong dumulog sa Korte Suprema na nais na ipadiskwalipika si BBM. Ayon kay Atty Estelito Mendoza, abugado ni BBM, ito ang kanilang magiging sagot sa kautusan ng Mataas na Hukuman na magkomento ang mga partido sa usapin. Ayon kay Atty Mendoza, katulad ng naunang desisyon ng dibisyon at En Banc ng Commission on Elections (Comelec)   ang disqualification proceeding laban sa kanyang kliyente ay ibininasura lamang. Magugunita na dumulog sa SC sina Atty Theodore Te at iba pang biktima ng Batas Militar sa panahon ng rehimeng Marcos   (ama ni BBM) na humihiling sa Korte Suprema na ipatigil ang Congressional Canvassing habang dinidinig ang kanilang apela. Samantala, sinabi naman ng liderato ng Senado, kapwa mula kay Senate President   Tito Sotto at Minority Leader Franklin Drilon na hindi maaring ipatigil ang canvassing at malamang na humantong ito sa ‘constitutional crisis.’   https://youtu.be/07

Mangingisdang Pinoy dumadami na sa Pagasa Island

  Dateline Kamuning Dumadami na ang bilang ng mga mangingisdang Filipino sa Pagasa, Kalayaan Island sa Palawan. Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), na-obserbahan ang dumadaming bilang ng mga Pilipinong nangingisda sa Pag-asa Island. Alinsunod sa direktiba ni PCG Commandant, Admiral Artemio M Abu, nananatiling mahigpit ang pagbabantay ng mga Coast Guard vessels sa nasabing isla. Ayon kay Admiral Abu, ito ay para maitaguyod ang kaligtasan at seguridad ng mga Pilipinong pumapalaot na nais na mabigyan ng maayos na buhay ang kanilang pamilya.

Proklamasyon ng mga nanalong party list group, sinuspendi

Image
    Sinuspinde ng Comelec ang dapat sana’y proklamasyon ng mga nanalong partylist group. Napagpasyahan ng Comelec en banc na siyang umuupong National Board of Canvassers na i-adopt ang rekomendasyon ng Supervisory Committee na iantala ang proklamasyon at hintayin muna ang certificate of canvass mula sa Lanao Del Sur. Nakasaad sa rekomendasyon na malaki ang magiging epekto ng mga boto na hindi pa na-transmit mula sa naturang probinsya sa pagtukoy ng mga mananalong partylist groups at bilang ng entitled seat. Ayon kay Comelec Commissioner George Erwin Garcia na hindi tulad ng mga nanalong senador,   kumplikado ang bilangan sa partylist at maaaring makaapekto sa ranking ang resulta ng botohan sa Lanao Del Sur.

Benny Laguesma at "Toots" Ople kinausap ni BBM

Image
  Inalok ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si dating Labor Secretary Benny Laguesma at Susan “Toots” Ople na maging bahagi ng kanyang administrasyon. Ito ang kinumpirma Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ng incoming-president. Ayon kay Rodriguez, bago bumiyahe patungong Australia kinausap ni Marcos si Laguesma at inalok na pamunuang muli ang Department of Labor and Employment (DOLE). Si Ms. Ople naman ang napaulat na itatalaga ni BBM bilang kalihim ng bagong tatag na Department of Migrant Workers. Sa ngayon, wala pang desisyon sina Laguesma at Ople at  humiling muna ng panahon para konsultahin ang kanilang mga mahal sa buhay.  

BBM at pamilya nasa Australia

Image
Kasalukuyang nasa Australia si President-elect Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr., at kanyang pamilya para magbakasyon. Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni BBM, kailangang magpahinga ng incoming-president matapos ang kampanyahan ngayong 2022 elections. Sinabi pa ni Rodriguez, gusto munang mag-enjoy ni BBM kahit ilang araw bago maupo bilang Ika-17 Presidente ng Pilipinas.  Samantala, sa ulat ng Reuters, nakatanggap ng tawag ng pagbati si BBM mula kay Australian Prime Minister Scott Morrison, habang sinalubong naman ng kilos protesta mula sa ilang Pinoy na nakabase sa Australia ang private trip ng incoming president.  Samantala, sinabi ni Rodriguez na pinag-aaralan ng executive committee kung sa Quirino Grandstand sa Luneta gagawin ang oath-taking ni BBM, na tradiyunal ng kinagawian ng mga bagong halal na Presidente ng bansa. Sa kasalukuyan ang Quirino grandstand ay ginawang Covid-19 Quarantine Facility.

P33 dagdag sahod ng mga manggagawa sa NCR malabo pa

Image
  Dateline Kamuning Malabo pa ang P33 dagdag sa minimum na sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila, na inanunsiyo ng Regional Wage. Ayon kay Alan Tanjusay, tagapagsalita ng Associated Labor Union-Trade Union Congress of the PHilippines (ALU-TUCP), didinggin pa ng National Wage Board ang inaprobahang halaga bago mapakinabangan ng mga manggagawa. Kung walang pagbabago, sa buwan pa ng Hulyo matatanggap ng mga manggagawa sa Metro Manila ang karampot na dagdag-sahod.       https://youtu.be/MajW-vW-OjU Ayon sa Department of Labor and Employment ang pagtaas ng sahod ay mapapakinabangan ng humigit-kumulang sa 1 miyong mga minimum wage earner sa Metro Manila .

Sara Duterte nanawagan ng pagkakaisa

Image
Umapela si presumptive Vice President  Sara Duterte, Mayor ng Davao City sa mga natalong kandidato at kanilang mga supporter na isantabi muna ang pulitika at pagkakahati-hati matapos ang botohan noong Mayo 9. Ayon kay Duterte, Chairperson ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) at Hugpong ng Pagbabago (HNP), ang mahalaga sa kasalukuyan ay ang pagkakaisa para sa ikabubuti ng bansa.   Vice President-elect Sara Duterte Sinabi ni Sara na ang mga nahalal na mga bagong lider ay dapat magpokus sa pagsisilbi sa mamamayan, tagasuporta man o mula sa kalabang partido pulitikal.

BBM binati ni Biden

Image
Dateline Kamuning Binati ni US President Joe Biden si presumptive President Ferdinand Marcos Jr., na nakaambang manalo sa pagka-presidente ng Pilipinas.  Ayon kay Ambassador Jose Manuel Romualdez, embahador ng Pilipinas sa Washington,DC. sinabi ni Biden na makikipagtulungan ang White House sa adminstrasyong Marcos upang mapanatili ang matatag na alyansa ng Amerika at Pilipinas. Pres Joe Biden Ayon kay Romualdez, tiniyak ni Biden kay Marcos Jr. na patuloy na susuportahan ng Estados Unidos ang Pilipinas sa post-pandemic recovery efforts nito. Samantala, nagpasalamat si Marcos sa tawag ni Biden at inimbitahan na dumalo sa kanyang inagurasyon bilang ika-17 Presidente ng Pilipinas.

Duterte papatay muna ng drug lord bago bumaba sa pwesto

Image
Dateline Kamuning Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na pumatay ng tatlo hanggang limang drug lord bago bumaba sa puwesto sa Hunyo. Matatandaang iginiit ni Pangulong Duterte, na kilala sa madugong war on drug ng kanyang administrasyon, na dapat ipagpatuloy ng susunod na pangulo ng bansa ang kanyang programa. “Siguro bago ako mag-alis makatapos lang tayo ng mga tatlo o limang drug lords. Gusto ko patayin. Ayoko ng buhay,” saad ng pangulo sa kanyang regular na Talk to the People na isinahimpapawid sa PTV 4. Kasabay nito, hinimok niya ang tauhan ng gobyerno na labanan ang mga sangkot sa iligal na droga. Iginiit din ng pangulo na hindi siya magso-sorry sa kanyang drug crackdown.