Sara Duterte nanawagan ng pagkakaisa
Umapela si presumptive Vice President Sara Duterte, Mayor ng Davao City sa mga natalong kandidato at kanilang mga supporter na isantabi muna ang pulitika at pagkakahati-hati matapos ang botohan noong Mayo 9.
Ayon kay Duterte, Chairperson ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) at Hugpong ng Pagbabago (HNP), ang mahalaga sa kasalukuyan ay ang pagkakaisa para sa ikabubuti ng bansa.
Vice President-elect Sara Duterte |
Sinabi ni Sara na ang mga nahalal na mga bagong lider ay dapat magpokus sa pagsisilbi sa mamamayan, tagasuporta man o mula sa kalabang partido pulitikal.
Comments