Handa na kami - Comelec
Handang-handa na ang Commission on Elections (Comelec) para sa Hatol ng Bayan sa Lunes.
Ito ang tiniyak ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo, kung saan sinabi nito na naisagawa na ang 'final testing at sealing' ng mga 'vote counting machine' (VCM) at natugunan na rin ang mga isyung lumutang may kinalaman sa magaganap na eleksiyon.
Dagdag pa ni Casquejo na mayroon 1,100 contingency vote counting machines (VCMs) at nagtalaga na rin ng ilang mga repair hub sa buong bansa kapag pumalpak ang mga VCM na kinakailangang ayusin o palitan.
Samantala, sinabi naman ni Commissioner George Garcia na magiging ‘historic’ ang darating na botohan.
Memorable aniya ito, dahil sa gitna ng pandemya ay maghahalal ang taumbayan ng presidente at bise presidente.
Umaasa din si Garcia ng high voter turnout sa mismong hatol ng bayan, kaya ngayon pa lang ay nanawagan na si Garcia ng mas mahabang pasensya sa mga botante, dahil mas magiging mahaba ang pila ng pagboto ngayon dahil sa mga pinatutupad na health protocols.
Comments