Mga botante nagdesisyon na, PNP nanawagan ng kahinahunan


Dateline Kamuning


Nanawagan si Philippine National Police (PNP) Officer in Charge Police Lieutenat General Vicente Danao sa mga natalong kandidato at mga suporter, na manatiling mahinahon.

Ginawa ni Danao ang ang pahayag sa gitna ng mga kilos protestang isinagawa ng ilang mga grupo, na hindi nagustuhan ang naging resulta ng halalan.

Ayon sa hepe ng PNP, normal Lang na may matalo sa eleksyon dahil hindi naman pwedeng manalo lahat.

Kaya apela ni Danao sa mga natalong kandidato, tanggapin ang desisyon ng mga botante at huwag nang gatungan ang kanilang mga suporter na magprotesta.



Samantala, nilinaw ni Danao na karapatan ng bawat mamamayan na magprotesta kaya hahayaan lang sila ng PNP, basta’t hindi sila nakakasagabal sa ibang tao o nakakapinsala ng pribado o oag-aari ng gobyerno.



Inatasan naman ni Danao ang mga pulis na nangangalaga ng kapayapaan, na ipatupad ang “maximum tolerance” sa mga nagsasagawa ng kilos protesta.

Comments

Popular posts from this blog

Modern day slavery

Ang hirap maging mahirap

PBBM TO GOV’T AGENCIES: IMPLEMENT WATER CONSERVATION MEASURES