No CCTV, no business permit - DILG
Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government
(DILG) ang mga lungsod at munisipalidad na magpatibay ng ordinansa, na
mag-oobligang gawing requirement sa pagkuha ng business permit ang paglalagay
ng closed-circuit television (cctv) system sa mga business establishment.
Base sa inilabas na DILG Memorandum Circular (MC) No. 2022-060, kabilang sa pinapakabitan ng CCTV ay ang mga bangko, pawnshops, money lenders, at mga money remittance service kasama na ang kanilang branches.
Pinasasama rin ng DILG ang mga shopping mall, shopping
center supermarkets, wet markets; medical facilities gaya ng ospital, klinika,
at mga laboratoryo.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, Chairperson ng National
Peace and Order Council, asahan na muling magbabalik ang criminal activities sa
harap ng pagpasok ng bansa sa pre-pandemic na health situation.
Comments