Militar handa laban sa manggugulo sa eleksiyon

 

Tiniyak ng Tanggulang Bansa ng Pilipinas ang isang maayos, tapat at mapayapang halalan sa Mayo 9. 

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana nakahanda na ang 45,000 na mga sundalo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na ikinalat na sa iba't-ibang bahagi ng bansa partikular sa mga lugar na itinuturing na “areas of concern.”  


 

Hinimok ni Lorenzana ang mga sundalo ngayong halalan na manatiling propesyunal at walang kinikilingan.


Samantala, umapela naman sa publiko si AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino para matamo ang inaasam na mapayapang halalan.  

 

 

Nanawagan si Centino na huwag mag-atubili ang taong-bayan na lumapit sa mga sundalo kung kailangan ang kanilang tulong sabay pagtitiyak na handa ang mga sundalo sa anumang panganib o emergency.

 

Comments

Popular posts from this blog

Modern day slavery

Ang hirap maging mahirap

PBBM TO GOV’T AGENCIES: IMPLEMENT WATER CONSERVATION MEASURES