BBM binati ni Biden








Dateline Kamuning



Binati ni US President Joe Biden si presumptive President Ferdinand Marcos Jr., na nakaambang manalo sa pagka-presidente ng Pilipinas. 


Ayon kay Ambassador Jose Manuel Romualdez, embahador ng Pilipinas sa Washington,DC. sinabi ni Biden na makikipagtulungan ang White House sa adminstrasyong Marcos upang mapanatili ang matatag na alyansa ng Amerika at Pilipinas.




Pres Joe Biden


Ayon kay Romualdez, tiniyak ni Biden kay Marcos Jr. na patuloy na susuportahan ng Estados Unidos ang Pilipinas sa post-pandemic recovery efforts nito.

Samantala, nagpasalamat si Marcos sa tawag ni Biden at inimbitahan na dumalo sa kanyang inagurasyon bilang ika-17 Presidente ng Pilipinas.

Comments

Popular posts from this blog

Modern day slavery

Ang hirap maging mahirap

PBBM TO GOV’T AGENCIES: IMPLEMENT WATER CONSERVATION MEASURES