Nueve de Mayo

 

Dateline Kamuning

 

Habang sinusulat ko ang artikulong ito, isinasagawa ngayon sa iba't-ibang bahagi ng bansa ang 'miting de avance' ng mga pulitikong sasabak sa 'election 2022' araw ng Lunes, Nueve de Mayo.

Heto ang huling araw ng kampanyahan. Ang lahat ng gimik  at diskarte ay ibubuhos na ng mga kandidato at ng kanilang mga taga suporta para makuha ang suporta ng mga botante.

Parang kailan lang, sa Lunes araw ng eleksiyon magkaka-alaman na.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec) lampas sa 67-milyon mga Filipino ang 'registered voters'. Sa bilang na ito, 7-milyon ang mga bagong botante. Nasa 1.7 milyon naman ang mga Overseas Filipino Voters.

Kaya naman ang mga kandidato sa halalang nasyonal ay kumahog hangang sa mga huling minuto ng 'campaign period' para makuha ang suporta ng mga botante.

Pagkatapos ng ingay mula sa mga 'campaign jingle' hangang sa mga diskurso ng mga magkakaribal ng kandidato kasama na ang kanilang mga taga-suporta - panatiko at hilaw - ang ingay-pulitika ay titigil na.

Ang pagkakahati ng mga Filipino dahil sa 'election 2022 ay dapat tigil na rin,  hanggang sa Lunes na lamang  - Nueve de Mayo.

Tanggapin man natin at hindi, ang bayang Filipino ay nahati, buti na lamang at  hindi hayagan si Pangulong Duterte sa pag-endorso kung sino ang kanyang manok sa pagkapangulo at nanatiling nasa gitna, dahil kung hindi ay baka lalo pang tumindi ang pagkakahati ng mga Filipino.

Buhay ang demokrasya sa bansa, taliwas sa paniniwala ng mga nagsasabi na patay na ang kalayaan sa Pilipinas. 

Ang '2022 election' ay pagpapatunay na ang Pilpinas sa kabila ng pagkakaroon ng Presidente na tinawag na otoritaryan, 'mamamatay tao' at walang modo ay  kabilang sa mga bansa sa daigdig na kinikilala ang boses ng taong bayan.

Sabi nga ni Digong, naka-empake na siya.

  Iniutos na rin ang pagbuo ng tinatawag na 'transition committee' upang maging maayos ang pagsasalin ng 'kapangyarihang pulitikal' sa susunod na residente sa Palasyo sa ika-30 ng buwan ng Hunyo.

Nakatutok ang mundo sa magaganap na eleksiyon sa ating bayan. Ayon sa Comelec higit sa 100 mga 'foreign observer" ang narito sa bansa para obserbahan at bantayan ang eleksiyon sa Nueve de Mayo.

-30-

Comments

Popular posts from this blog

Modern day slavery

Ang hirap maging mahirap

PBBM TO GOV’T AGENCIES: IMPLEMENT WATER CONSERVATION MEASURES