Soberanya ng Pilipinas, mananatiling sagrado — PBBM
Dateline Kamuning
Tiniyak ni incoming President Bongbong Marcos na hindi makokompromiso ang soberanya ang Pilipinas at mananatilihing sagrado.
Tugon ito ni Marcos, sa kanyang kaunaunahang pagharap sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps nang matanong kaugnay sa
magiging foreign policy ng kanyang administrasyon.
Ayon kay PBBM, nakaangkla ang kanyang ‘foreign policy’ sa prinsipyo ng ‘ friends to all, enemy to none.’
Diin pa ni PBBM, makailang ulit na niyang inihayag na
hindi niya hahayaang mapanghimasukan kahit pa ang maliit lang na bahagi ng
teritoryo ng Pilipinas.
Comments