Posts

Showing posts from 2018

Nakawala sa bagsik ng digmaan.

Nabulabog ang mga bansang kasapi ng European Union (EU) matapos bigyan ng 60-araw na taning ng Estados Unidos ang Russia kaugnay sa sandatang- nukleyar. Babala ng Washington, kakalas sa 1987 Intermediate Range Nuclear Force (INF) Treaty kung hindi iaatras ng Moscow ang “cruise missile system.’ Hiniling sa Russia at Eastados Unidos ni Federica Mogherini, EU Diplomatic Chief na iligtas ang mundo sa kaguluhan. Panatilihin ang INF Treaty na nagbigay sa Yuropa ng kapayapaan at katatagan sa nakalipas na 30-taon. Dahil sa ‘arms control treaty’ na nilagdaan nina dating Soviet Leader Mikhael Gorbachev at US President Ronald Reagan 1987, nalusaw ang ‘cold war.’  Umiral ang kapayapaan, hindi lamang sa Yuropa kundi sa buong mundo. Bago ang 1987 INF Treaty, hinog na hinog ang posibilidad ng “nuclear war" sa panahong ito.  Ang Yuropa ay nahati sa East at West. Ang East ay kaalyado ng dating Unyong Sobyet na ngayon ay Russia. Ang West naman ay mga bansang kaalyado ng Estados Uni...

Akala mo “anghel” ‘yon pala ay ‘lobo’

Bago lumutang ang isyu kung ‘na-coma o nasa kama’ lamang si PDU30 nitong nakaraang ‘weekend,’ naging abala naman ang mga ambisyosong-pulitiko na pumosisyon para sa ‘2019 mid term elections. Lahat nagtutungo ngayon sa Davao City para makipagalyado sa Hugpong ng Pagbabago (HNP) ni Mayor Sarah Duterte. Bagama’t ang HNP ay isa lamang ‘regional party’ ayon sa mga ‘founder’ nito, ang mga ‘national party’ ay tiklop-tuhod na yumukod sa HNP, para sa ‘pagbabago at serbisyo-publiko.’ Lokohin ‘nyo ang lelong ‘nyo. Ang PDP-Laban, na gustong saniban ng lahat ng mga ambisyosong-pulitiko dahil ito ang partido nagdala kay PDU30 noong 2016 elections ay hindi pa kasama sa HNP. Bago daw makasama sa HNP, resolbahin muna ang paksiyon sa loob ng partido. 0000 Hanggang ngayon namamayagpag pa rin ang ‘traditional politics’ sa bansa. Ang kapangyarihang-pulitikal, nanatili pa rin sa iilang pamilya. At dahil kontrolado ng mga ‘political family’ ang gobyerno, normal lamang, na sila rin ang may kontro...

Pakialamerong Kano

Hindi naitago ang tahasang pakikialam ng Estados Unidos sa isang malayang bansa tulad ng Pilipinas. Ang planong pagbili ng armas mula sa Rusya para sa Armed Forces of the Philippines ay pinanghimasukan ni Uncle Sam. Ang pakikipagtulungang-militar ng Manila sa Moscow ay hindi raw makakatulong sa magandang relasyon mayroon ang Pilipinas at Amerika na pinanday ng mahigit isang siglong pagtutulungan. Kay sarap pakinggan. Ayon kay Randhall Schriver, US Defense Assistant Secretary for Asian and Pacific Security Affairs, ang plano ng Pilipinas na bumili ng ‘submarine’ sa mga Ruso ay hindi maganda para sa pangkalahatang relasyon ng Manila at Washington. 000 Si Uncle Sam talaga, pine-pressure ang gobyerno ng Pilipinas para hindi matuloy ang paghahanap ng armas para sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines. Isinangkalan pa ang ‘relasyon’ ng dalawang bansa, na puro pabor lamang sa Washington. Isang lang ang gustong patunayan ng pahayag na ito ni Schriver, ang Amerika ay nanatil...

Atletang Pinoy

Salamat at tuloy na ang pagsasagawa ng 30 th Asian Games sa Pilipinas sa susunod na taong 2019. Malaki ang maitutulong ng ‘regional sports events ‘ na ito, hindi lamang sa ating mga atletang lalahok sa kompetisyon, magkakaroon din ng pagkakataon na personal na suportahan ng mga manonood   ang ating manlalaro tulad ko na isang o “pingpong enthusiast.” Hindi lang pala abala itong si Foreign Affairs Secretary Alan Cayetano sa ‘geo politics,’ pang sports din.   Sa totoo lang ang mga bagay na mahirap makuha sa pagpapalitan ng ‘diskurso’ o mga ‘diplomatic jargon,’ ay nakukuha sa pamamagitan ng sports.

Matupad sanang lahat

Ang katatapos na ASEAN Summit  ay nagbukas ng maraming oportunidad sa Pilipinas. Ang bilateral meeting na naganap sa pagitan ng Manila at mga bansang " bilateral partner" ng ASEAN ay matatawag na positibo. Lumagda ang Pilipinas sa mga dokumento ng kalakalan at kooperasyon. Isa na rito resulta ng "bilateral meeting" sa pagitan ng Pilipinas at Russia.

Bangon Marawi

Isang daan at apatnapu’t isang araw na ang bakbakan sa Marawi City. Nagsimula ang gulo noong Ika-23 ng buwan ng Mayo. Makailang beses na ring nagtungo ang Pangulong Duterte sa napakagandang lungsod, noong hindi pa winasak ng giyera. Ayon sa Pangulo bubuhusan ng malaking pera ang rehabilitasyon ng Marawi City.   Ang ‘international community’ nangako   din   ng tulong sa pagbangong muli ng lungsod. Bangon Marawi. Malaking hamon ito, hindi lamang sa gobyernong Duterte, kundi ganon na rin sa Muslim community, partikular sa mga Maranaw, dahil una sa lahat sila ang naapektuhan ng kaguluhan.

Malaking hakbang para sa kapayapaan

Mainit at matatag na muli ang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos. Pahayag ito ng Malacanang matapos mag "one on one" sina PDu30 at Pres Donald Trump. Lampas sa kalahating oras ang paguusap ng dalawang lider. Ang usapin sa iligal na droga, terorismo at negosyo ang pangunahin sa "agenda."  Hindi tinalakay ng dalawang lider ang isyu ng "karapatang pangtao." Nangangahulugan ba na bibisita na sa Washington si PDu30?

“Better safe, than sorry.”

Madaling araw ng Biyernes, Ika-6 ng Oktubre habang nahihimbing sa malalim na tulog ang mga taga Chelsea subdivision sa Muzon, San Jose del Monte City sa Bulacan, isang trahedya ang naganap. Ang tangke ng tubig sa naturang subdivision ay bumigay.  Nagdulot ito ng daluyong. Malakas na flashflood ang naganap. Ang lahat ng tubig sa ‘water tank’ - na ang laki ay halos dalawang palapag na gusali - ay umagos, inanod ang lahat ng nahagip. Mga bahay, sasakyan at maging ang istasyon ng pulis ay hindi nakaligtas. Ayon sa mga nakaligtas, sisinghap-singhap sila. Sa kanilang pagkaka-himbing ay bigla silang nalulunod, akala ay nanaginip, totoong “bangungot” pala.

Very Important Pig

Balik EDSA na ulit ang PNP Highway Patrol Group. Pangunahing misyon, ayon sa Inter-Agency Council for Traffic o I-ACT, ay tumulong para mapaluwag ang daloy ng mga sasakyan resulta ng malalang trapik partikular sa EDSA-Tuazon, White Plains at Connectticutt sa Lungsod ng Quezon. Ayon sa PNP-HPG nakahanda silang tumulong sa mga traffic constable ng MMDA para maibsan ang malalang trapik sa EDSA lalo na kung rush hour.

Mabuti pa si PDU30, humingi ng paumanhin.

Binuksan ng Malacanang ang pintuan para sa ikatlong player sa industriya ng telekomunikasyon . Partikular na binuksan ni PDU30 ang pintuan sa bansang China. Layong buwagin ang tinatawag na ‘duopoly,’ na ang nakikinabang lamang ay ang ‘Smart at Globe Company. Sana hindi ito matulad sa industriya ng langis na nagkaroon ng ‘cartel’ sabay na nagbaba at nagtataas ng presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.

May chapa na , may baril pa

Tama lang ang desisyon ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na i-recall ang mga pulis na itinalaga sa mga ‘Very Important Persons’ o VIP. Ayon sa Police Security and Protection Group ng PNP, 700 mga pulis ang nagse-secure sa may 300 mga kawani ng gobyerno at 400 mga sibilyan. Imbis na magpatrol sa kalsada, para maseguro na ligtas sa mga kriminal ang mga mamamyan, ang 700 pulis na ito ay nagsisilbi at nagpapa-alila sa mga ‘very important person.’ Bakit kailangang mga pulis - na ang sweldo ay galing sa pera ng bayan-   ang magbibigay ng proteksiyon sa mga taong ito? Di ba may pera naman ang mga “VIP” na ito, bakit hindi nila kunin ang serbisyo ng mga ‘private security agency’ - na pag-aari naman ng mga retiradong heneral na pulis at militar- para mag secure sa kanila?

Buhay nga naman

Ilang buwan ang nakararaan naaresto ng Manila Police District ang tatlong Pakistani national na nagbebenta ng ‘counterfeit’ o pekeng gamot. Ilang concerned citizen kasi ang dumulog sa MPD dahil ang tatlong dayuhan ay nagbebenta ng mga ‘branded’ na gamot sa murang halaga. Ayon sa MPD, ang mga ‘branded’ na pekeng gamot ay ‘naproxen sodium, paracetamol, dextromethorphan at phenylephrine.’ Ang ‘naproxen’ ay gamot sa arthritis at gout. Ang ‘paracetamol’ naman ay para sa lagnat at pananakit ng katawan. Ang ‘dextromethorphan’ ay gamot sa ubo at ang ‘phenylephrine’ ay para sa baradong ilong.

Patawan ng pinakamabigat na parusa.

Isang karumaldumal na krimen, kung may katotohanan, na pinakialaman, para sa personal na kapakinabangan ng ilang mataas na opisyal, ang pera ng mga miyembro ng Social Security System. Pera ito ng mga maliliit na mangagawa na nagsusumikap na magsubi mula sa kanilang karampot na kita para may maihulog sa buwanang kontribusyon. Pera ito ng mga guro at ng mga middle ‘income earner’ na bago pa makuha ang ‘paycheck’ ay kinaltasan na para ihulog sa SSS. Hindi sapat na ilipat lang sa ibang pwesto ang mga nasasangkot.

Ang mga Kano talaga.

Mula ngayon hanggang sa susunod na tatlong linggo magiging abala na ang mga ‘security forces’ sa pagseseguro sa kaligtasan ng mga delegado sa East Asian Summit na magaganap ngayong buwan ng Nobyembre sa Lungsod ng Pasay at Clark, Pampanga. Mahigit sa dalawampung mga lider ng mga bansa sa daigdig ang magkikita sa Pilipinas para pagusapan at magkasundo sa magiging takbo ng ekonomiya ng mundo – hindi lamang sa rehiyon ng asya na may populasyon na mahigit sa anim na raang milyong tao. 0000 Bagamat ang ASEAN na binubuo ng sampung bansa - Pilipinas, Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar,   Singapore, Thailand at Vietnam - ay isang ‘economic bloc,’   hindi maiiwasan na talakayin ng grupo -kasama ang mga ‘bilateral partner’- ang iba pang isyu tulad ng ‘human rights, illegal drugs, labor at human trafficking, cyber security, border security, terrorism, maritime security at   mga posibleng pagmumulan ng ‘regional conflict’ na magdidiskaril sa mga n...

Sa kapayapaan walang talo, lahat panalo.

Nasa pinakamataas na antas ngayon ang relasyong-diplomatiko sa pagitan ng Pilipinas at Japan. Patunay ito ng dalawang beses na pagbisita ni PDU30 sa Japan at inaasahan rin sa ikalawang pagkakataon, bibisita sa Pilipinas si Japanese Prime Minister Zhinzo Abe ngayong buwan ng Nobyembre. Ang respeto nina Duterte at Abe sa bawa’t isa ay napakataas kaya naman hindi mahirap para sa dalawang lider na magkasundo sa mga usapin na may kinalaman sa relasyon ng Manila at Tokyo.

Tugade, Galvante, anong nangyari?

Nag anunsiyo kayo na minuto lang ang pagkuha ng bago at renewal ng lisensiya sa pagmamaneho. Sa LTO Diliman Quezon City sa harapan ng media at camera, kamakailan agad nakuha ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang kanyang lisensiya. Pagkatapos ng ‘media exposure’ kinabukasan ‘kalbaryo’ na ang naranasan ng mga kumukuha ng ‘motor liscence.’ Tama nga naman. Minuto lang ang pag-proseso ng ‘application paper.’ Pero oras na ang bibilangin sa paghihintay na matawag ang iyong pangalan batay sa numerong iyong hawak. Sa LTO Diliman, matagal makuha ang LISENSIYA ng napasama sa ‘backlog.’ Mahabang pasensiya ang kailangan, kundi mapipikon at maiinis ka lang sa sobrang tagal ng paghihintay. Heto ang karanasan ko noong nakaraang Biyernes, Ika-27 ng Oktubre 2017. Pagkatapos ng duty sa Dzbb, agad akong nagtungo sa LTO Diliman. Mga ala-una ng hapon nandoon na ako. Ang numero ko ay 215. Ang ang numerong sinersebisyuhan sa mga oras na iyon ay 160. Sabi ko sa sarili, ayos maaga ako...

Modern day slavery

Kung may death penalty sa Pilipinas ang unang lima sa aking listahan na dapat patawan ng parusang bitay ay ang drug lord, illegal recruiter, rapist, swindler at magnanakaw sa kaban ng bayan. Sa lima, ang gusto kung pagtuunan ng pansin ay ang "illegal recruiter." Katulad ng "drug lord" ang ‘illegal recruiter’ ay marami ng winasak na tahanan. Halimaw ito na dapat tigpasin ang ulo para hindi na makapagisip pa ng mga bagong modus na ang target biktimahin ay ang mahihina, nangangailangan at kulang sa kakayahan.

Lupit ng digmaan

Malaya na ang Marawi. Sakto, limang buwan. Magkagayon man nilinaw ng Malacanang, hindi pa rin tapos ang opensiba sa natitira pang miyembro ng bandidong Maute na konektado sa teroristang ISIS. Ayon sa Palasyo, kahit humina na ang kalaban sa Marawi, hindi dapat maging kampante. Tuloy lang ang operasyon gobyerno laban sa mga armadong grupo. Prayoridad ang muling pagbangon at rehabilitasyon ng lungsod. Isang malaking hamon ang panunumbalik na muli ng normal na pamumuhay ng mga Maranaw. Malupit ang naganap na digmaan sa Marawi. Maraming buhay ang nasawi. Maraming bahay at istruktura ang nasira. Pero ang pinakamalupit ang nagpatayan ay mga Filipino mismo.

Baril mula sa Rusya

Sa pagharap ni Pangulong Duterte sa mga sundalo sa Tarlac, kamakailan hindi na napigil ang sarili at inanunsiyo sa publiko na ang Moscow ay magbibigay ng limang libong Kalashnikov Assault Rifle o AK 47, milyong rounds ng mga bala at mga truck. Agad akong nakipag-ugnayan sa ilan nating kaibigan sa Russian Embassy sa Makati at kinumpirma naman ng ating “tovarish’ o kaibigan na may tulong- militar nga mula sa Kremlin. Ang mga ‘Russian military hardware’ ay inaasahang darating dalawang lingo mula ngayon. Ang malalaking barkong Ruso ay maaring dumaong sa Subic o Port of Manila bago matapos ang buwan ng Oktubre o sa unang bahagi ng Nobyembre. 0000 Ngayong malaya na ang Marawi sa bangis ng teroristang Maute, batay sa pahayag ni PDU30, sino kaya ang masasampulan ng AK 47 galing sa mga Ruso? Kung susundan ang mga deklarasyon ng Pangulo, namumuro ang mga rebeldeng komunista. Ang kasaysayan nga naman, may isang panahon, ang AK 47 ay gamit ng mga rebeldeng komunista laban sa pwe...

Rebolusyonaryong-gobyerno?

Wala akong problema dito. Kung ito ang magpapatino sa lahat ng mga abusado at walang disiplinang Pilipino. Kung ito ang magpapabago sa ugali ng mga Pilipino, na laging gustong makalamang at ayaw lumaban ng patas. Wala akong problema sa ganitong sistema kung ang makikinabang ay ang nakararaming Pilipino, na araw-araw ay bumubuno ng mahabang oras sa lansangan dahil sa talamak na trapiko. Sobra na nga oras sa trabaho, sa paguwi, nakikipagbuno at nakikipag-agawan pa ng sasakyan makauwi lamang ng maaga at makapiling ang mga mahal sa buhay. Okay ang rebolusyonaryong gobyerno, kung maseseguro na ang lahat ng nagugutom ay may makakain hindi lamang sa tamang oras, kundi masustansiyang pagkain. Okay ang ganitong gobyerno, kung ang lahat ng mga Pilipino ay may bahay na mauuwian, hindi nangangamba na paaalisin ng landlord dahil iniipon pa o kaya naman ay walang pampabayad ng upa. Wala ng Kadamay na mang-aagaw ng bahay. Patok ang ganitong gobyerno, kung ang mga hos...

EO 26, Anyare?

Sa mga unang araw lang yata nagsipag ang mga otoridad sa pagpapatupad “anti-smoking law “ sa buong bansa. Sa unang araw, sa Metro Manila, iniulat ng MMDA na isang daan at animnapu’t tatlong (163) katao ang nahuling humihithit ng sigarilyo sa publikong lugar. Ayon sa mga ‘environment enforcer’ ng MMDA, ang mga nahuli, palibhasa ‘first offense” pa lamang, ay tinikitan at pinagmulta ng limang daang piso (P500.00). Matapos lumabas sa mga pahayagan at nabalita sa ‘broadcast’ sa radyo at telebisyon, tahimik na ang tabakuan. Ang dami pa ring naninigarilyo sa kalsada. Ang EO 26 ay nag-aatas sa lahat ng lokal na pamahalaan, Luzon Visayas at Mindanao na bumuo ng “smoke free environment” at mga tinatawag na “enclosed places.” Ayon sa EO 26, ang ‘enclosed places’ ay mga hospital, paaralan, terminal ng bus at mga pampublikong sasakyan, mga tanggapan- kapwa publiko at pribadong opisina. Mga palaruan , sinehan, restoran, mga mall at iba pang matataong lugar. Inatasan n...

'Tempest wind'

Noong nakaraang lingo, isang ‘insidente ng terorismo’ ang naganap sa Clark International Airport. Hindi ito namalayan ng nakararami. Hindi ito natutukan ng ‘media’ dahil ang ingay na dala ng anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar noong 1972 at ang brutal na pamamaslang kay Horacio ‘Atio’ Castillo 3 rd ng kanyang mga ka-brod sa Aegis Juris ang nasa hedlines. Hindi pa kasama dito ang ingay nagmumula sa Senado at sa Mababang Kapulungan. 0000 Ganito ang pangyayari, ang Civil Aviation Board ng Pilipinas ang nakatanggap ng isang tawag mula sa Federal Aviation Authority ng Estados Unidos. Isang trans Pacific commercial flight ang nawawala sa ‘radar’ ng mga Kano. Maraming sakay na US nationals dahilan kaya nagpanic ang “paranoid” na si Uncle Sam. Sa hindi malamang dahilan ang nawawalang ‘commercial flight’  ay nakita sa ‘air space’ ng Pilipinas. Kinomando ito ng mga ’hijacker-terrorist’ at pinalapag sa Clark International Airport sa Pampanga. Nagkagulo ...