Bangon Marawi


Isang daan at apatnapu’t isang araw na ang bakbakan sa Marawi City. Nagsimula ang gulo noong Ika-23 ng buwan ng Mayo.

Makailang beses na ring nagtungo ang Pangulong Duterte sa napakagandang lungsod, noong hindi pa winasak ng giyera.

Ayon sa Pangulo bubuhusan ng malaking pera ang rehabilitasyon ng Marawi City.  Ang ‘international community’ nangako  din  ng tulong sa pagbangong muli ng lungsod.

Bangon Marawi. Malaking hamon ito, hindi lamang sa gobyernong Duterte, kundi ganon na rin sa Muslim community, partikular sa mga Maranaw, dahil una sa lahat sila ang naapektuhan ng kaguluhan.


Hindi lamang ang pisikal na kaanyuhan ng lungsod ang dapat manumbalik.
Ang emosyonal at sikolohikal na aspeto ng rehabilitasyon ng komunidad ay napakahalaga.

Ayon sa ilang NGO na nakapasok sa Marawi City, ang tinatawa ng “psycho-social intervention’ para sa mga residente, lalo na ng mga
 biktima ay lubhang kailangan.

Kailangang manumbalik na muli ang pisikal na kagandahan ng Marawi, higit lalo sa lahat ang pagbangong muli ng mga Maranaw.
Malalim ang “trauma’ na idinulot ng bakbakan. Agad sanang maghilom ang sugat,at manaig ang kapayapaan sa pagbangong muli ng Marawi City.


0000

Naganap na ang balasahan sa Bureau of Customs, walong District Collector at tatlumpong mga section chief ang unang nasampolan.

Ayon kay Commissioner Isidro Lapeña, layon ng kanyang hakbang ay para mapabilis ang transaksiyon sa ahensiya at mabawasan kung hindi man ay tuluyan ng matuldukan ang katiwalian sa Bureau.

Katulad ng ibang nagdaang Commissioner, si Lapeña ay may bitbit ding mga sariling tao – mga mapagkakatiwalaang mga tao.  Hangad natin na magtagumpay si Heneral  at hindi matulad sa mga nauna sa kanya.

0000

Nagmamalaki ang mga mambabatas na nagsulong na wala ng ‘expiry date’ ang mga “gift certificate.”  Maraming salamat po…

Mas masaya, kung busisiin na rin ng Kongreso ang ‘expiration’ ng mga ‘ load’ sa  pre-paid cell phone.’

Grabeng magharang at  mangholdap ang mga “telcos.’  Kapag nagpa-load ka ng sampung piso (P10) at hindi mo nagamit ng ilang araw, bigla na lang nauubos.

Kung kailan mo kailangan, hindi mo magagamit ang load mo dahil nilamon na ng Telcos.

Milyon-milyon ang mga Pilipino na may pre-paid cell phone, siguradong paldong-paldo ang mga Telcos …

0000

Sana hindi ‘ningas-cogon’ ang pinakahuling aksiyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa mga nangongontratang taxi driver.
Patunay lamang na nasa kalsada pa rin ang mga buwaya at manlalamang sa kapwa.
Go lang Atty Lizada, mabawasan man lamang ang mga hindi patas sa kalsada.

0000

 (Published 12 October 2017)

Comments

Popular posts from this blog

Modern day slavery

Ang hirap maging mahirap

PBBM TO GOV’T AGENCIES: IMPLEMENT WATER CONSERVATION MEASURES