Rebolusyonaryong-gobyerno?
Wala akong
problema dito.
Kung ito
ang magpapatino sa lahat ng mga abusado at walang disiplinang Pilipino.
Kung ito
ang magpapabago sa ugali ng mga Pilipino, na laging gustong makalamang at ayaw
lumaban ng patas.
Wala akong
problema sa ganitong sistema kung ang makikinabang ay ang nakararaming
Pilipino, na araw-araw ay bumubuno ng mahabang oras sa lansangan dahil sa
talamak na trapiko.
Sobra na
nga oras sa trabaho, sa paguwi, nakikipagbuno at nakikipag-agawan pa ng
sasakyan makauwi lamang ng maaga at makapiling ang mga mahal sa buhay.
Okay ang
rebolusyonaryong gobyerno, kung maseseguro na ang lahat ng nagugutom ay may
makakain hindi lamang sa tamang oras, kundi masustansiyang pagkain.
Okay ang
ganitong gobyerno, kung ang lahat ng mga Pilipino ay may bahay na mauuwian,
hindi nangangamba na paaalisin ng landlord dahil iniipon pa o kaya naman ay walang
pampabayad ng upa.
Wala ng
Kadamay na mang-aagaw ng bahay.
Patok ang
ganitong gobyerno, kung ang mga hospital ay hindi na manghihingi ng deposito
bago gamutin ang mga pasyente.
Wala akong
isyu dito kung ang mga gamot, lalo na ang kailangang gamot ng mga nakatatanda
at walang kakahayan ay murang mabibili, kung hindi man libre.
Hindi na
hihingi ng ‘referral letter’ sa mga pulitiko, na ginagamit ang pondong-publiko.
Wala akong
problema sa gobyernong rebolusyonaryo, kung ang bayarin sa kuryente ay kaya ng
lahat. Hindi nahohostage ng mga ‘power producer.’
Mayaman
ang Pilipinas sa likas na yaman, pero ang bayarin sa tubig ay lintik sa lupit.
Wala akong
problema sa gobyernong-rebolusyonaryo kung ito ang magiging daan para wala ng
Pilipino ang magpapa-alila sa ibang bansa.
Hindi na
mahihiwalay si ina, sa bunso na dumedede pa.
0000
Kasabay ng
transport strike ng grupong Piston kahapon, inilunsad naman ng Philippine
National Police Highway Patrol Group ang ‘Oplan Disiplinado.’
Agad
nakakalawit ang HPG ng mga motorsiklo na may nakasisilaw na ‘led light,’
blinker, at wang-wang.
Wag sana
itong ‘ningas cogon’ sa umpisa lang magaling.
Published: 18 October 2017
Comments