Baril mula sa Rusya
Sa pagharap ni Pangulong Duterte sa mga sundalo sa
Tarlac, kamakailan hindi na napigil ang sarili at inanunsiyo sa publiko na ang
Moscow ay magbibigay ng limang libong Kalashnikov Assault Rifle o AK 47,
milyong rounds ng mga bala at mga truck.
Agad akong nakipag-ugnayan sa ilan nating kaibigan sa
Russian Embassy sa Makati at kinumpirma naman ng ating “tovarish’ o kaibigan na
may tulong- militar nga mula sa Kremlin.
Ang mga ‘Russian military hardware’ ay inaasahang
darating dalawang lingo mula ngayon.
Ang malalaking barkong Ruso ay maaring dumaong sa Subic
o Port of Manila bago matapos ang buwan ng Oktubre o sa unang bahagi ng
Nobyembre.
0000
Ngayong malaya na ang Marawi sa bangis ng teroristang
Maute, batay sa pahayag ni PDU30, sino kaya ang masasampulan ng AK 47 galing sa
mga Ruso?
Kung susundan ang mga deklarasyon ng Pangulo, namumuro
ang mga rebeldeng komunista.
Ang kasaysayan nga naman, may isang panahon, ang AK 47
ay gamit ng mga rebeldeng komunista laban sa pwersa ng gobyerno.
Ang Kremlin din ang nagbigay. Subali’t ito ay sa panahon na ang Russia ay
Unyong Sobyet pa. Na ang mga nakatira pa
sa Kremlin ay mga miyembro ng Politburo ng Partido Komunista ng Union of
Soviets Socialists Republic o USSR.
0000
Ang military truck
na binabanggit ni PDU30 ay ang “Ural truck.” “All purpose-All Terrain “ ang “Ural”. Katulad ito ng
ng ‘6 by 6 truck’ na gamit ngayon Armed Forces of the Philippines, malalaki
lang ang gulong ng Ural truck.
Ang “ural” ay salitang Ruso na ang ibig sabihin ay
‘bundok’ o mountain.
Ang “Ural’ ay isang mountain range sa Russia. Isang
‘natural boundary’ sa pagitan ng Yuropa at Asya.
Ang Pilipinas ay maraming bundok at maraming lubak-lubak
na daan. Masusubok dito ang kakayahan ng mga truck galing Rusya.
0000
Nataon na ang pagdating ng mga ‘Russian military
hardware’ ay ilang araw bago isagawa ang East Asian Summit sa Clark Air Base at
Metro Manila. Hindi nga lamang magkakadaupang palad sina PDu30 at
Russian President Vladimir Putin.
Hindi makakarating si Putin dahil dadalo ito
sa Apec Summit sa Vietnam.
Si Russian Prime Minister Dmitry Medvedev ang kakatawan
kay Putin.
Maging si Chinese President Xi Jinping ay malabo na
ring makadalo batay sa mga paunang impormasyon.
Si Chinese Prime Minister Li Keqiang ang kakatawan kay Xi Jingping.
Kumpirmado naman darating si US President Donald Trump.
0000
Comments