Atletang Pinoy
Salamat at tuloy na
ang pagsasagawa ng 30th Asian Games sa Pilipinas sa susunod na taong
2019.
Malaki ang
maitutulong ng ‘regional sports events ‘ na ito, hindi lamang sa ating mga
atletang lalahok sa kompetisyon, magkakaroon din ng pagkakataon na personal na
suportahan ng mga manonood ang ating
manlalaro tulad ko na isang o “pingpong enthusiast.”
Hindi lang pala
abala itong si Foreign Affairs Secretary Alan Cayetano sa ‘geo politics,’ pang
sports din. Sa totoo lang ang mga bagay
na mahirap makuha sa pagpapalitan ng ‘diskurso’ o mga ‘diplomatic jargon,’ ay
nakukuha sa pamamagitan ng sports.
Ang mailap na
kapayapaan sa Korean Peninsula ay ‘nahuli’ sa pamamagitan ng ‘Winter Olympics.’
Ito ang naging susi upang ang dalawang lider ng Korea sina Kim Jung Un at Moon
Jae-In ay magkita. Sumunod naman ang hindi inaasahan, ang personal na pagkikita
nina Kim at US President Donald Trump. Ang NBA star na si Dennis Rodman ay
nakatulong sa pagbaba ng tensiyon sa Korean Peninsula.
0000
Masuwerte ang mga
atletang Pinoy ngayon dahil mayroong mga opisyal ng gobyerno tulad ni Secretary
Cayetano na mahilig sa sports. Kung hindi ako nagkakamali ay basketbolista ang
Kalihim.
Dahil nasa dugo ang pagiging atleta, si Cayetano ang nagkumbinse kay Pangulong Rodrigo Duterte na pumayag para matuloy ang ‘hosting’ ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games sa 2019. Matatandaang umatras ang Pilipinas noong Hulyo dahil sa problema sa terorismo sa Mindanao.
Dahil nasa dugo ang pagiging atleta, si Cayetano ang nagkumbinse kay Pangulong Rodrigo Duterte na pumayag para matuloy ang ‘hosting’ ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games sa 2019. Matatandaang umatras ang Pilipinas noong Hulyo dahil sa problema sa terorismo sa Mindanao.
Dahil kilalang
“basketball fan” tumulong din si
Cayetano para makumbinse ang pamunuan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas,
Philippine Olympic Committee at Philippine Basketball Association para
magpadala pa ng bagong koponan sa Asian Games. Dahil sa ‘diplomatic moves’ ngayon
naglalaro na ang koponan ng Pilipinas sa Asian Games kasama ang Fil-Am NBA
player na si Jordan Clarkson ng Cleveland Cavaliers.
0000
Dahil lampas isang
taon na lang ang paghahanda para 30th Asian Games 2019, inaasahan
ang pagpapaganda o pagsasaayos sa mga lugar na pagdarausan ng kompetisyon at
isa sa mga venue –kung hindi nabago ang
plano – ay ang Amoranto Sports Complex sa Lungsod ng Quezon , dito nakatakdang
gawin ang ‘cycling events.’
Maliban sa Metro
Manila, gagawin din ang mga sport events sa Philipine Arena sa Bocaue, Bulacan,
Subic Bay Olongapo Zambalez at Clark sa Pampanga. Ilan sa mga event na mapapanood
ay athletics, aquatics, gymnastics, archery, badminton, baseball, basketball,
billiards, bowling, boxing, cycling, polo, fencing, football, golf, judo,
karatedo, sailing, sepak takraw, shooting, squash, tae kwon do, triathlon,
volleyball, weightlifting, wrestling, wushu, arnis, dance sport at muay thai.
Nasaan kaya ang pingpong dito?
Nasaan kaya ang pingpong dito?
Sa matagal na
panahon at sa mga nakaraang administrasyon, nabalot ng kontrobersiya at katiwalian
ang ‘Philippine sports.’ Ang table tennis isa na rito. Sana panahong ito
matuldukan na ang nakaraan. Ang mga atletang pinoy ay hindi dapat nasasama sa
pulitika.
Kung may tokhang sa
droga, dapat itokhang din ang mga nananamantala sa mga atletang pinoy.
21 August 2018
Comments