Sa kapayapaan walang talo, lahat panalo.
Nasa
pinakamataas na antas ngayon ang relasyong-diplomatiko sa pagitan ng Pilipinas
at Japan.
Patunay
ito ng dalawang beses na pagbisita ni PDU30 sa Japan at inaasahan rin sa
ikalawang pagkakataon, bibisita sa Pilipinas si Japanese Prime Minister Zhinzo
Abe ngayong buwan ng Nobyembre.
Ang
respeto nina Duterte at Abe sa bawa’t isa ay napakataas kaya naman hindi
mahirap para sa dalawang lider na magkasundo sa mga usapin na may kinalaman sa
relasyon ng Manila at Tokyo.
Inaasahang
tinalakay nina Pangulong Duterte at Prime Minister Abe ang mga isyu na kapwa
may interes sa Pilipinas at Japan.
Bukod
sa tinatawag na ’bilateral issues’ sa economic, industrial, social at security issue,
pinagusapan din ng dalawang lider ang tensiyon sa Korean Peninsula.
0000
Sana,
naisingit ni PDU30 sa kanyang pakikipagusap kay Abe ang kaawa-awang sitwasyon
ng mga ‘Filipina comfort women.’
Hanggang
ngayon, ang mga ‘lolang’ ito naghihintay pa rin ng katarungan.
Biktima
sila ng karahasan ng nagdaang World War 2.
Ayon
sa Lila Filipina, hindi kabayaran ang kanilang hinihintay kundi ang opisyal na
pahayag mula sa pamahalaang Hapones na humihingi ng ‘apology’ para sa mga
Filipino, partikular sa mga “Filipina comfort women.”
0000
Tampok
sa pag-uusap nina PDU30 at Japanese Prime Minister Zhinzo Abe ay ang tensiyon
sa Korean Peninsula.
Kinondena
ng dalawang lider ang “nuclear test” ng North Korea, subalit isinulong ang
panunumbalik ng pag-uusap para maibsan ang tensiyon sa Korean Peninsula.
Dapat
lamang matigil ang ‘nuclear test’ hindi lamang ng Pyongyang, kung di ganon na
rin ng iba pang mga bansa na may kakayahang gumawa ng sandatang-nukleyar.
Kapag
nagkagulo, walang ibang makikinabang kundi ang mga bansa na nagbebenta ng
mapamuksang sandata. Matutuwa ang tinatawag na ‘military industrial complex.’
0000
Kahit
maanghang ang pananalita ni PDU30 kay North Korean leader Kim Jon Un,
naniniwala naman ang Pangulo na dapat idaan sa maayos na usapan ang pagresolba
sa Korean peninsula.
Dapat
may kumausap kay Kim Jon Un para itigil ang mga plano nito magbubunsod sa digmaang
pandaigdig. Kailang maiparating sa North Korean leader na hindi siya
pinagtutulungan ng mga bansa para pabagsakin sa pwesto, ayon ito kay PDU30.
0000
Ito
ba ang dahilan kung bakit pinapunta ni Pangulong Duterte sa Pyongyang si
Philippine Ambassador to China, Chito Sta Romana, bago bumiyahe ng Japan?
Sa
kapayapaan walang talo, lahat panalo.
Published: 01 November 2017
Comments