Lupit ng digmaan


Malaya na ang Marawi.

Sakto, limang buwan.

Magkagayon man nilinaw ng Malacanang, hindi pa rin tapos ang opensiba sa natitira pang miyembro ng bandidong Maute na konektado sa teroristang ISIS.

Ayon sa Palasyo, kahit humina na ang kalaban sa Marawi, hindi dapat maging kampante. Tuloy lang ang operasyon gobyerno laban sa mga armadong grupo.

Prayoridad ang muling pagbangon at rehabilitasyon ng lungsod. Isang malaking hamon ang panunumbalik na muli ng normal na pamumuhay ng mga Maranaw.

Malupit ang naganap na digmaan sa Marawi. Maraming buhay ang nasawi. Maraming bahay at istruktura ang nasira.

Pero ang pinakamalupit ang nagpatayan ay mga Filipino mismo.


0000


Kamakailan, inilunsad ng PNP Highway Patrol Group ang “DISIPLINADONG DRIVER CAMPAIGN.”

Kabilang sa magpapatupad ng kampanya ay ang iba’t-ibang “motorcycle rider organization.”

Pangunahing misyon, sitahin ang mga pasaway na motorista.

Sa tingin ko naman pinag-isipan ito ng maigi ng pamunuan ng PNP Highway Patrol Group.

Ang tanong lamang sino ba ang malimit pasaway sa kalsada? -di ba ang mga nagmo-motorsiklo?

Sa EDSA na lang, kapag ma-trapik, sino ang barubal at garapal? - ang dami nila. Kung may matino man, iilan lang.

Sa mga ‘intersection’ na lamang, kung bumirit ang mga lintek.. walang pakundangan, ‘bahala ka sa buhay mo,’ ang mentalidad ng mga kumag.

Mukhang binigyan lang ng PNP HPG ang grupong ito ng lisensiya para lalong mang-‘bully’ sa kalsada.

Sa Aguinaldo Highway sa Cavite papuntang Tagaytay, kapag nahagip ka ng langkay ng mga nagmo-motorsiklo, malas mo na lamang.

Sobrang yabang, tila nabili nila ang kalsada, kung magmaniobra.
0000

Dalawampung ‘rider club’ ang pinulong ng PNP HPG sa Kampo Crame.

Inatasan ang mga ito na tumulong para disiplinahin ang mga pasaway na motorista.

Binigyang kapangyarihan ang mga ‘rider club’ na manita ng mga kapwa “rider” na hindi nagsusuot ng helmet.

Inatasan din ang grupo na sitahin ang mga balasubas pumarada, mga ‘reckless driver’ at magsumbong sa mga pulis kung may nakitang krimen sa kalsada.

Hindi daw bibigyan ng ID ang mga miyembro ng mga “rider club.”

Magsusuot lamang ito ng ‘vest’ na may LOGO ng PNP HPG.

Nakupo, imbis na makatulong ang grupong ito ay baka lalo lamang magkaroon ng problema sa kalsada.

Ano ang garantiya na ang LOGO ng PNP HPG na nasa ‘vest’  ng mga ‘ motorider’ ay hindi maabuso?

Kung wala pa ngang logo ng otorirad ay barubal at garapal na ang ‘tropang’ ito, ngayong pang may logo ng PNP-HPG.

Hay naku.

Published 23 October 2017

0000


Comments

Popular posts from this blog

Modern day slavery

Ang hirap maging mahirap

PBBM TO GOV’T AGENCIES: IMPLEMENT WATER CONSERVATION MEASURES