Buhay nga naman
Ilang buwan ang
nakararaan naaresto ng Manila Police District ang tatlong Pakistani national na
nagbebenta ng ‘counterfeit’ o pekeng gamot.
Ilang concerned
citizen kasi ang dumulog sa MPD dahil ang tatlong dayuhan ay nagbebenta ng mga
‘branded’ na gamot sa murang halaga.
Ayon sa MPD, ang mga
‘branded’ na pekeng gamot ay ‘naproxen sodium, paracetamol, dextromethorphan at
phenylephrine.’
Ang ‘naproxen’ ay
gamot sa arthritis at gout. Ang ‘paracetamol’ naman ay para sa lagnat at pananakit
ng katawan. Ang ‘dextromethorphan’ ay gamot sa ubo at ang ‘phenylephrine’ ay
para sa baradong ilong.
May kamahalan ang
halaga ng ‘branded’ ng mga nabanggit na gamot. Kaya’t kung iniaalok ito ng mura
siguradong peke ito. Imbis na makagaling
ay lalo pang lalala ang karamdaman ng iinom nito.
0000
Gaano kaligtas ang
mga gamot na nabibili ng mga maysakit?
Mahal na nga ang
presyo, napepeke pa?
Ano ang ginagawa ng
mga tinatawag na ‘stakeholder’ – gobyerno at industry player – para masawata
ang banta at panganib ng pekeng gamot? Ang Food and Drugs Administration ano ang ginagawa?
Dahil sa sobrang
mahal ng mga ‘branded,’ maraming Pinoy ang hindi makabili ng gamot, kaya naman ang
mga sindikato ay nakakita ng tiyempo para kumita.
0000
Kawawa talaga ang
mga nasa laylayan ng lipunan.
Bagama’t may
libreng gamot na ipinamimigay ang gobyerno, talagang magmamaka-awa at mistulang
magpapalimos pa ang nangangailangan.
Tignan nyo ang
mahabang pila sa PCSO sa Lung Center of the Philippines Quezon City, maagang
pumipila ang mga nangangailangan ng gamot, ang ilan ay doon na nagpapalipas ng
magdamag kahit hindi pa nakapagmumog at nakapaghilamos, makakuha lang ng numero
at di abutan ng ‘cut off.’
Ang ilan ay galing
pa ng probinsiya.
0000
Isyu pa rin
hanggang ngayon ang pagkakaiba ng ‘branded’ at ‘generic’ na gamot.
Pag ‘branded,’
kahit mahal mabisa daw. Dahil generic, kahit mura, wala raw epek.
Ang ‘branded’ daw
pangmayaman at may pera lang. Ang 'generic,’ pang walang pera at mahirap.
Buhay nga naman…
Buhay nga naman…
First published 08 November 2017
Revised 26 April 2019
Revised 26 April 2019
Comments