Ang mga Kano talaga.
Mula ngayon hanggang sa susunod na tatlong
linggo magiging abala na ang mga ‘security forces’ sa pagseseguro sa kaligtasan
ng mga delegado sa East Asian Summit na magaganap ngayong buwan ng Nobyembre sa
Lungsod ng Pasay at Clark, Pampanga.
Mahigit sa dalawampung mga lider ng mga
bansa sa daigdig ang magkikita sa Pilipinas para pagusapan at magkasundo sa
magiging takbo ng ekonomiya ng mundo – hindi lamang sa rehiyon ng asya na may
populasyon na mahigit sa anim na raang milyong tao.
0000
Bagamat ang ASEAN na binubuo ng sampung
bansa - Pilipinas, Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia,
Myanmar, Singapore, Thailand at Vietnam -
ay isang ‘economic bloc,’ hindi
maiiwasan na talakayin ng grupo -kasama ang mga ‘bilateral partner’- ang iba
pang isyu tulad ng ‘human rights, illegal drugs, labor at human trafficking,
cyber security, border security, terrorism, maritime security at mga posibleng pagmumulan ng ‘regional conflict’
na magdidiskaril sa mga nakamit at makakamit pa ng 50th ASEAN
Summit.
0000
Ang pinakamatingkad na ‘regional conflict’
na binabantayan hindi lamang ng mga bansa sa Asya at Pasipiko, kundi ng buong
mundo na rin ay ang kontrobersiya sa South China Sea at tensiyon sa Korean
Peninsula.
Ang tinatawag na elemento ng ‘proxy war ‘na
ang kumukumpas ay ang malalakas na bansa –tulad ng China at Estados- ay
nakikita.
Bagama’t pinaguusapan sa ASEAN ang
tinatawag na Code Of Conduct ng mga bansang may ‘claim’ sa South China Sea, ang
pagdududa sa tunay na intensiyon ng Beijing ay nanatili pa rin.
Ang tensiyon sa Korean Peninsula ay
napakataas. Ang mga kuko ng China at Estados Unidos kasama ang mga kasapakat ay
nakikita, anumang miskalkulasyon ay magreresulta sa ‘Nuclear Holocaust,’ ayon
nga kay PDU30.
0000
Sa pagkikita sa Pilipinas ng mga lider ng
Estados Unidos, China, Japan, South Korea at mga bansang kasapi ng ASEAN, ang
problema ng Korean Peninsula ay dapat lang pag-usapan. Isama na rin ang United
Nations tutal ang UN Secretary General ay bibisita rin sa Pilipinas.
Kung may pagpuna at pagkondena sa Pyongyang
dahil sa ‘nuclear testing,’ dapat ring
himukin ang North Korea na umupo sa ‘negotiating table. Malaki ang bahagi ng
Estados Unidos at China sa prosesong pangkapayapaan sa Korean Peninsula.
0000
Kamot daw sa ulo ngayon ang National
Organizing Committee at Department of Foreign Affairs. Pinipilit kasi ng
Department of State ng Estados Unidos na makaparada sa NAIA ang Air Force One
ni POTUS.
Ha ha ha… ang mga kano talaga…
Published: 03 November 2017
Comments