Matupad sanang lahat
Ang katatapos na ASEAN Summit ay nagbukas ng maraming oportunidad sa Pilipinas.
Ang bilateral meeting na naganap sa pagitan ng Manila at mga bansang " bilateral partner" ng ASEAN ay matatawag na positibo.
Lumagda ang Pilipinas sa mga dokumento ng kalakalan at kooperasyon.
0000
Kung agad maisasakatuparan ang alok na tulong ng Rusya para sa "railway system" sa Gitna at Hilagang Luzon ay makakatulong sa ekonomiya ng Pilipinas.
Malaking tulong ito sa paggalaw mga tao at produkto.
Mababawasan ang oras ng biyahe at maiibsan ang problema sa trapiko.
Sa panukala, ang proyekto na gagamitan ng "Russian technology" ay magsisimula mula sa New Clark City sa Tarlac, San Fernando sa La Union hanggang Tuguegarrao, Cagayan.
Ang mga nabanggit na lugar ay bahagi ng "food basket" ng bansa.
0000
Resulta ng "bilateral meeting " ang Department of Transportation o DOTR, at Russian Ministry of Transportation ay magpagtutulungan hindi lamang sa "railways system," kundi ganon na rin sa road construction, aviation at maritime industry.
0000
Ang "subway system " sa Moscow ay mas maganda kaysa sa Washington at New York. Moderno nga ang Hongkong, Singapore at Taiwan, pero, ang subway system ng Rusya ay hindi mapapantayan ang arkitektura.
Hindi matatawaran ang kakayahan at karanasan ng mga Ruso pagdating sa industriya ng "perokaril."
Sa panahon na Unyong Sobyet pa ang tawag sa Rusya, ang daang-bakal ay may malaking bahagi sa kasaysayan ng mga Ruso, partikukar sa tinatawag nilang Great Patriotic War.
Ang mga tren, ang pangunahing transportasyon ng mga sundalong Ruso. Ang mga tren ang ginamit sa pagpanatili hindi lamang sa suplay kagamitang-militar at pagkain kundi ganon na rin sa paglilikas ng mga sibilyan.
0000
Napagusapan din ang pagkakaroon ng "direct flight" mula Manila - Moscow.
Inalok din ng mga Ruso sa mga Pinoy ang kanilang tinatawag na "Global Navigation Satellite System o GLONASS.
Isa itong "space-based satellite" navigation system katulad ng GPS ng Estados Unidos.
0000
Nabuksan ang pinto ng Pilipinas sa maraming oportunidad.
Maipatupad sanang lahat para sa ikagaganda at ikauunlad ng ating bayan.
Published: 17 November 2017
Comments