Akala mo “anghel” ‘yon pala ay ‘lobo’
Bago lumutang ang
isyu kung ‘na-coma o nasa kama’ lamang si PDU30 nitong nakaraang ‘weekend,’
naging abala naman ang mga ambisyosong-pulitiko na pumosisyon para sa ‘2019 mid
term elections.
Lahat nagtutungo
ngayon sa Davao City para makipagalyado sa Hugpong ng Pagbabago (HNP) ni Mayor
Sarah Duterte. Bagama’t ang HNP ay isa lamang ‘regional party’ ayon sa mga
‘founder’ nito, ang mga ‘national party’ ay tiklop-tuhod na yumukod sa HNP,
para sa ‘pagbabago at serbisyo-publiko.’
Lokohin ‘nyo ang
lelong ‘nyo.
Ang PDP-Laban, na
gustong saniban ng lahat ng mga ambisyosong-pulitiko dahil ito ang partido
nagdala kay PDU30 noong 2016 elections ay hindi pa kasama sa HNP. Bago daw
makasama sa HNP, resolbahin muna ang paksiyon sa loob ng partido.
0000
Hanggang ngayon
namamayagpag pa rin ang ‘traditional politics’ sa bansa. Ang
kapangyarihang-pulitikal, nanatili pa rin sa iilang pamilya. At dahil
kontrolado ng mga ‘political family’ ang gobyerno, normal lamang, na sila rin
ang may kontrol sa negosyo at takbo ng pamumuhay ng mga tao.
Ang mga pulitikong-balimbing
ay nakasusulasok tulad ng pestisidyo. Peste sa lipunan at pasakit sa mga tao. Ang
ambisyosong-pulitiko, dahil maraming pera, kahit ‘halimaw at kurakot,’ nagmumukhang
angel ngunit isa pa lang lobo.
Ang bagsik ng kanilang lason. Anong lupit kung makapangunyapit
sa pwesto, isasangla ang kaluluwa at puso, makuha lang ang gusto.
0000
Ang mga ‘hunyango’
sa lahat ng panahon ay aktibo. Walang ‘loyalty,’ amo ang lahat, basta
kikita ng paldo.
Sa Kongreso nakasalang ngayon ang taunang pondo ng
gobyerno. Bago himayin ang mahigit sa P3-Trilyong piso na pambansang pondo, nagtalo
muna ang mga ‘henyo.’ ‘Cash-based ba o obligated’ ang magiging sistema sa
pagpapakawala ng pera ng mga tao?
Gusto ng Malacanang ‘cash-based,’ sa bawa’t proyekto,
ang mga ‘henyo’ sa Kamara ‘obligated’ ang gusto. Dahil magkasalungat at
maho-hostage ang proyekto at serbisyo na kailangan ng mga tao, nagkasundo ang
Palasyo at Kongreso na ‘hybrid system’ na lang ang pagpapalabas ng pondo.
Ang pera ng bayan, pinakikialaman ng mga ambisyoso at
hungyangong pulitiko. Kaya’t hindi nakapagtataka, maraming proyekto lalo na sa
malalayong bayan ang hindi makumpleto dahil sina Governor, Vice Governor
Congressman, Mayor, Vicer Mayor, Board Member, Councillor, Chairman at si
Kagawad ay kumurot sa proyekto.
24 August 2018
Comments