May chapa na , may baril pa
Tama lang ang desisyon ni
PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na i-recall ang mga pulis na
itinalaga sa mga ‘Very Important Persons’ o VIP.
Ayon sa Police Security
and Protection Group ng PNP, 700 mga pulis ang nagse-secure sa may 300 mga
kawani ng gobyerno at 400 mga sibilyan.
Imbis na magpatrol sa
kalsada, para maseguro na ligtas sa mga kriminal ang mga mamamyan, ang 700
pulis na ito ay nagsisilbi at nagpapa-alila sa mga ‘very important person.’
Bakit kailangang mga pulis
- na ang sweldo ay galing sa pera ng bayan- ang magbibigay ng proteksiyon sa mga taong
ito?
Di ba may pera naman ang
mga “VIP” na ito, bakit hindi nila kunin ang serbisyo ng mga ‘private security
agency’ - na pag-aari naman ng mga retiradong heneral na pulis at militar- para
mag secure sa kanila?
0000
Sa kulturang Pinoy, iba
ang dating kung may ‘badigard’ ka, lalo na kung pulis.
Ang pulis ay may
“chapa.” Ang ‘chapa’ ay simbolo ng
otoridad, nirerespeto ng lahat.
Komportable ang mga pulitiko
at mga ‘high profile personality’ na kunin ang sersbisyo ng mga pulis at iba
pang law enforcer, kasi nga, may baril na, may ‘chapa’ pa.
0000
Hindi sana nagulo ang
tabakuan, kaya lang sa isang reyd na isinagawa ng PDEA, nadiskubre na dalawang
pulis ang nagbibigay ng proteksiyon sa anak ng isang nakakulong na Chinese drug
lord.
Dapat lang tuldukan ang
paggamit sa mga pulis bilang badigard ng mga VIP.
Silipin na rin ang mga
sundalo at ahente ng NBI na katulad ng mga pulis ay nagiging badigard din.
0000
Malupit talaga ang mga
‘smuggler.’
Kahit matindi ang kampanya
ng Administrasyong Duterte laban sa ‘smuggling,’ pilit pa ring lumulusot ang
mga sindikato.
Nakadalawang Commissioner
na si PDu30 pero ang makinarya ng mga kawatan ay matatag pa rin, hindi mabuwag-buwag.
Konektado pa rin kaya?
Published: 10 November 2017
Comments