Tugade, Galvante, anong nangyari?


Nag anunsiyo kayo na minuto lang ang pagkuha ng bago at renewal ng lisensiya sa pagmamaneho.
Sa LTO Diliman Quezon City sa harapan ng media at camera, kamakailan agad nakuha ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang kanyang lisensiya.
Pagkatapos ng ‘media exposure’ kinabukasan ‘kalbaryo’ na ang naranasan ng mga kumukuha ng ‘motor liscence.’

Tama nga naman. Minuto lang ang pag-proseso ng ‘application paper.’
Pero oras na ang bibilangin sa paghihintay na matawag ang iyong pangalan batay sa numerong iyong hawak.
Sa LTO Diliman, matagal makuha ang LISENSIYA ng napasama sa ‘backlog.’
Mahabang pasensiya ang kailangan, kundi mapipikon at maiinis ka lang sa sobrang tagal ng paghihintay.
Heto ang karanasan ko noong nakaraang Biyernes, Ika-27 ng Oktubre 2017.
Pagkatapos ng duty sa Dzbb, agad akong nagtungo sa LTO Diliman. Mga ala-una ng hapon nandoon na ako. Ang numero ko ay 215. Ang ang numerong sinersebisyuhan sa mga oras na iyon ay 160.
Sabi ko sa sarili, ayos maaga akong matatapos mga isang oras lang o mahigit na paghihintay ito.
Sabi kasi ni Tugade at Galvante minuto lang, makukuha na ang LISENSIYA.
0000
Marso pa ako nagrenew, kaya naman wala ng ‘form’ na sasagutan. Ipakikita ko lang yong resibo nang binayaran ko at  makukuha ko na ang ‘liscence card’ na ang validity o bisa ay hanggang limang taon.
Dahil napasama ako sa grupo ng ‘backlog,’ fill up ulit sa ‘form,’ Ang mga impormasyon na aking isinulat noong Marso ay inulit ko lamang.
May picture taking na rin naganap noong Marso. Noong Biyernes kinunan ulit ako ng ‘picture.’
Makalipas ang apat na oras, tinawag na ang numero ko.
Ang nag asikaso sa akin ay isang kawani marahil ay early twenty pa lamang ang edad. 
Sabi ko Boss, halos apat na oras akong naghintay kukunin ko lamang ang card ko? Magalang na sumagot ang bata… Sir, ang dami kasing kumukuha ng lisensiya.
Bakit kailangan mag-fill up ulit ng form na ang impormasyon ay kapareho rin noong nagrenew ako?
Sir, nagiba po ang system.
Ilang minuto lang akong nakasalang sa batang technician at bumalik ulit sa waiting area.
0000

Habang naghihintay muling tawagin ang aking pangalan, napansin ko sa TV monitor -na hindi gumagana ang malaking mga letra - POWERED BY STRADCOM.
Stradcom pa rin pala service provider ng LTO.
Naging kontrobersiyal ang Stradcom sa panahon ni dating LTO Chief Virginia Torres (sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa).
Bakit ang Stradcom pa rin ang naghahari ngayon?
Wala na bang ibang ‘service provider’ na makukuha ang LTO?
0000
Ilang minuto bago mag-ala singko ng hapon, muling tinawag ang pangalan ko. Sa “WAKAS” nakuha ko rin ang lisensiya ko.
Katulad ng iba, hindi bababa sa apat na oras ang paghihintay sa pagkuha ng ng mga lisensiya na nasa ‘backlog.
Pag may tiyaga may nilaga, sabi nga.‘Patience is a virtue’ ang isa pa - paalala ito ng ating mga nakatatanda.
Ang ipinangangalandakan nina Tugade at Galvante na tatlumpung minutong ‘waiting period’ sa pagkuha ng lisensiya ay ‘kahibangan.’
Ang totoo, kalahating araw ang ilalaan para lamang makakuha ng lisensiya (bago at mag renew.)
Malaking oras ang nasasayang at ito’y kabawasan sa mga taong arawan lang ang kinikita.
0000
Biyaheng muli si PDU30 sa Japan para personal na batiin si Japanese Prime Minister Zhinzo Abe sa muling pagkakapanalo sa eleksiyon.
Ito na ang ikalawang beses na pagbisita ni PDU30 sa Japan.
Ayon sa Palasyo, “official visit” ang biyaheng ito ng Pangulo.
Kung sa una ay nabigong makipagkita si PDU30 kina Japanese Emperor Akihito and Empress Michiko , ito’y magaganap na sa kabuuan ng tatlong araw na “official visit.”
Huwag sanang makalimutan ni PDU30, sa kanyang pakikipagusap sa matataas na lider ng Japan, lalo na kay Emperor Akihito ang nakalulunos na kalagayan ng mga ‘FILIPINA COMFORT WOMEN.’
Paubos na ang kanilang bilang. Ayon sa Lila Filipina, sana mabangit ni PDU30 na kilalanin ng Japan ang kanilang pananagutan sa mga ‘Filipina Comfort Women.’
Published 30 October 2017

Comments

Popular posts from this blog

Modern day slavery

Ang hirap maging mahirap

PBBM TO GOV’T AGENCIES: IMPLEMENT WATER CONSERVATION MEASURES