Malaking hakbang para sa kapayapaan

Mainit at matatag na muli ang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos.

Pahayag ito ng Malacanang matapos mag "one on one" sina PDu30 at Pres Donald Trump.

Lampas sa kalahating oras ang paguusap ng dalawang lider.

Ang usapin sa iligal na droga, terorismo at negosyo ang pangunahin sa "agenda." 

Hindi tinalakay ng dalawang lider ang isyu ng "karapatang pangtao."

Nangangahulugan ba na bibisita na sa Washington si PDu30?



0000

Sana magtuloy-tuloy ang proseso sa pagkakasundo ng ASEAN at China, na simulan ang pag-uusap sa pagbuo ng Code Of Conduct sa South China Sea.

Malaking hakbang ito para sa kapayapaan.

Kung dati ang Beijing ay naninindigan na makikipagusap lamang sa mga indibidwal na bansa na may "claims" sa South China Sea, ang pagpayag nito na makipagusap sa ASEAN - na binubuo ng sampung bansa- ay maituturing na positibong hakbang para maiwasan ang anumang tensiyon  kung hindi ay gulo sa hinaharap.

0000

Mahalaga ang "Code Of Conduct."

Sa kodigong ito ibabatay ang lahat ng pagkilos lalo na  ng mga tinatawag na "stakeholder," ang anumang mga desisyon may kinalaman sa South China Sea.

Ang mga nakikidaan sa lugar na ito, na nagsusulong sa prinsipyo ng "freedom of navigation" ay dapat lamang kilalanin ang " Code of Conduct sa South China na pagtitibayin ng ASEAN at China.

0000

Buhay pa ang demokrasya sa bansa.

Normal lamang na magkaroon ng demonstrasyon kung may mga "international event" tulad ng ASEAN Summit.

Hindi kumpleto ang pelikula kung walang kontra -bida.


0000


Ang pagpapatupad ng "traffic lockdown" sa EDSA dahil ASEAN Summit ay nagpakita kung nasaan na ang timpi ng publiko sa traffic.

Ilang high profile personality ang napundi, hindi nakaya ng kanilang "powers" ang matinding traffic sa Metro Manila.

Isang personalidad pinagpapaliwanag ngayon ng LTO kung bakit hindi dapat kasuhan sa paglabag sa "lockdown."

0000

Ang naganap na "lockdown"  ay ipinakita lamang na "puno na ang tapayan." 

Dumating na sa pinakalundo ang pagtitiis ng publiko. 

Published 15 November 2017

Comments

Popular posts from this blog

Modern day slavery

Ang hirap maging mahirap

PBBM TO GOV’T AGENCIES: IMPLEMENT WATER CONSERVATION MEASURES