'Tempest wind'


Noong nakaraang lingo, isang ‘insidente ng terorismo’ ang naganap sa Clark International Airport. Hindi ito namalayan ng nakararami.

Hindi ito natutukan ng ‘media’ dahil ang ingay na dala ng anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar noong 1972 at ang brutal na pamamaslang kay Horacio ‘Atio’ Castillo 3rdng kanyang mga ka-brod sa Aegis Juris ang nasa hedlines.

Hindi pa kasama dito ang ingay nagmumula sa Senado at sa Mababang Kapulungan.

0000

Ganito ang pangyayari, ang Civil Aviation Board ng Pilipinas ang nakatanggap ng isang tawag mula sa Federal Aviation Authority ng Estados Unidos.

Isang trans Pacific commercial flight ang nawawala sa ‘radar’ ng mga Kano.

Maraming sakay na US nationals dahilan kaya nagpanic ang “paranoid” na si Uncle Sam.

Sa hindi malamang dahilan ang nawawalang ‘commercial flight’  ay nakita sa ‘air space’ ng Pilipinas. Kinomando ito ng mga ’hijacker-terrorist’ at pinalapag sa Clark International Airport sa Pampanga.

Nagkagulo na ang mga taga Washington D.C. Ang White House, Pentagon , State Department sa Foggy Bottom, FBI sa Quantico at ang CIA sa Langley, Virginia ay kumahog.

Tawag sa kanilang mga counterpart sa Pilipinas kaya naman ang mga taga Department of Foreign Affairs, Philippine National Police, Department of National Defense , Armed Forces of the Philippines at iba pang law enforcement body ay ‘double time’ na kumilos.

Mahirap ng magkahiyaan. Dito inilapag ng mga terorista ang hinayjack na eroplano at mga Amerikano ang sakay nito.

Hindi na pwedeng maulit na muli ang “Luneta incident.”

Buti na lang ito pala ay isang “counter-terrorism simulation drill,” lamang.

0000
Tinawag ito ng Department of National Defense O DND na “TEMPEST WIND DRILL” sa pagitan ng mga law enforcement agency ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ayon sa DND, kauna-unahan ang ganitong pagsasanay.  Ang mga kalahok ay walang kaalam-alam kung ano ang mangyayari.
Layunin ng ‘drill’ na palakasin ang pagtugon ng mga otoridad laban sa terorismo na ang mukha ngayon ay ang ISIS.
Kakaiba rin daw ang “TEMPEST WIND DRILL” dahil ang mga ‘decision maker’ sa magkabilang panig ay direktang kalahok .
Tinawag ito ng US Embassy sa Manila, na “challenging inter-agency drill.”
Sinubok dito ang kakayahan ng Manila at Washington sa pagpa-plano, koordinasyon at paglulunsad ng  ‘counter terrorism measure ‘ laban sa mga ekstremistang grupo tulad ng ISIS at Maute.
Hudyat na ba ito ng  pag-init na muli  ng relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos?
0000
Overheard
Mga grupong die-hard supporter ni Pangulong Duterte, nangangamba na hindi nakakarating ang lahat ng impormasyon na dapat malaman ni PDU30 dahil sa matinding ‘cordon sanitaire’ sa Palasyo…

(Published 29 September 2017)
0000




Comments

Popular posts from this blog

Modern day slavery

Ang hirap maging mahirap

PBBM TO GOV’T AGENCIES: IMPLEMENT WATER CONSERVATION MEASURES