Very Important Pig



Balik EDSA na ulit ang PNP Highway Patrol Group.

Pangunahing misyon, ayon sa Inter-Agency Council for Traffic o I-ACT, ay tumulong para mapaluwag ang daloy ng mga sasakyan resulta ng malalang trapik partikular sa EDSA-Tuazon, White Plains at Connectticutt sa Lungsod ng Quezon.

Ayon sa PNP-HPG nakahanda silang tumulong sa mga traffic constable ng MMDA para maibsan ang malalang trapik sa EDSA lalo na kung rush hour.


Ayos ito, para naman madisiplina ang mga ‘balasubas’ sa kalsada lalo na ang mga walang paki-alam na mga nagmo-motorsiklo.
Singit dito, singit doon, kapag nakasagi , diretso at dedma lang, palibhasa madaling makapuslit, tila nanghahamon pa –’catch me if you can,’- na may pagyayabang pa.. Ang nagurlisang sasakyan “sorry” na lang.
Good luck, hangad lang natin na hindi na maulit muli ang bangayan sa pagitan ng mga HPG at kawani ng MMDA.
0000


Napag-uusapan na rin lamang ang lansangan, malaking tulong talaga kung ang mga side-street na alternatibong daan ng mga motorista kapag matrapik ay malinis sa mga “obstruction.”
Marami na talagang mga sasakyan sa kalsada, kung makapaluwag lang talaga ang  mga kalye makakatulong ito para maibsan ang matinding trapik.
Susi talaga ang mga barangay. Si Tserman ang nakaka-alam sa kanyang lugar. Kaya lang si Tserman pa at mga Kagawad at mga kaanak ang pinagmumulan ng tinatawag na ‘obstruction.’
Ang dami ng mga ito lalo na ng mga nakaraparadang sirang sasakyan, tindahan, mga carwash, basketball court at iba pa.
Nakikita naman ito ng mga opisyal ng barangay, kaya lang talagang pikit-mata ang mga ito, ayaw nilang magulo ang tabakuan,
0000
Isa pang ‘’asshole” sa kalsada ay ang ‘convoy ‘ ng mga ‘herodes.’
Ang  kakapal ng mukha. Gamit ang mga hagad mula sa PNP kasama ang mga ‘hawi boys,’ gigipitin ang mga motorista.
Ang mga hagad na ito, na ang sweldo ay galing sa buwis ng taong-bayan, - ‘road users’ tax’, ay ang aangas, walang pakialaman sa mga motoristang naiipit na sa trapik, mailusot lang ang kanilang “VIP” - ‘very important pig.’
Kung makahawi sa mga motorista ay ganon na lang, bakit ang ini-escort ba nila ay si PDU30?

Ayaw ito ni PDU30 kaya nga malimit sa Davao ang Pangulo dahil ayaw  makadagdag pa sa gulo sa kalsada sa Metro Manila.

Buhay nga naman! Kapit lang.

(Published 05 October 2017)

Comments

Popular posts from this blog

Modern day slavery

Ang hirap maging mahirap

PBBM TO GOV’T AGENCIES: IMPLEMENT WATER CONSERVATION MEASURES