Patawan ng pinakamabigat na parusa.


Isang karumaldumal na krimen, kung may katotohanan, na pinakialaman, para sa personal na kapakinabangan ng ilang mataas na opisyal, ang pera ng mga miyembro ng Social Security System.

Pera ito ng mga maliliit na mangagawa na nagsusumikap na magsubi mula sa kanilang karampot na kita para may maihulog sa buwanang kontribusyon.

Pera ito ng mga guro at ng mga middle ‘income earner’ na bago pa makuha ang ‘paycheck’ ay kinaltasan na para ihulog sa SSS.


Hindi sapat na ilipat lang sa ibang pwesto ang mga nasasangkot.


Dapat kumilos ang Department of Justice at atasan ang National Bureau of Investigation kalkalin ang puno’t dulo ng kontrobersiyang ito.
Dapat ibunyag sa publiko ang mga kasabwat na ‘stockbrokers,’ na kumita sa pera ng mga miyembro ng SSS. Pawis at dugo ang puhunan dito.
Kung may napatunayang nagkasala, dapat patawan ang mga ito ng pinakamabigat na parusa, para hindi na pamarisan pa.
Huwag na ring makialam ang mga mambabatas, ‘grandstanding’ lang ang habol ng mga ito.
0000


Kung ayaw matrapik sa panahon Asean Summit, lumabas na lang ng Metro Manila.
Payo ito ng MMDA sa publiko, lalo na ang mga malapit sa EDSA at Roxas Boulevard.
Dito kasi dadaan ang convoy ng mga delagado ng 31st East Asian Summit.
Sa biglaang pagdinig, okay ang payong ito. Pero para ito sa mga may pera.
Sa ordinaryong mamamayan pahirap ito.
Katatapos lamang ng mahabang bakasyon. Ubos na ang datung. Talo rito ang mga arawan lang ang kita.
0000
Aminado si PDU30 na kapwa  "malikot ang bunganga" nila ng kanyang bagong Spokesman na si Atty Harry Roque.
Ayon mismo kay Pangulong Duterte, silang dalawa ni Roque ay kapwa may "naughty mouths."
Nangangahulugan lamang na anumang bibitawang pahayag ng Pangulo,  lalo na ang mga "controversial statement’ ay sesegunhan ito ni Roque.
Kung si dating Presidential Spokesman Ernesto Abella at pambansang tagapaglinaw, si Roque naman ang pambansang tagasigaw.
Iba ang ‘buladas’ ni Roque. Kaya niyang makipaglaro sa media lalo na sa Malacanang Press Corps na araw-araw niyang makaka-eskrimahan.
Magtagal sana sa Palasyo si Roque.
0000

Nagbayad ang Philippine Air Lines o PAL sa gobyerno ng P6-Bilyong piso.
Magagamit ang perang ito sa mga priority project ng administrasyong Duterte.
Sana isunod na rin ang isang kompanya ng langis, na hinahahabol ng gobyerno. Bilyong piso rin ang pinag-uusapan dito.

Published: 06 November 2017



Comments

Popular posts from this blog

Modern day slavery

Ang hirap maging mahirap

PBBM TO GOV’T AGENCIES: IMPLEMENT WATER CONSERVATION MEASURES