“Better safe, than sorry.”


Madaling araw ng Biyernes, Ika-6 ng Oktubre habang nahihimbing sa malalim na tulog ang mga taga Chelsea subdivision sa Muzon, San Jose del Monte City sa Bulacan, isang trahedya ang naganap.
Ang tangke ng tubig sa naturang subdivision ay bumigay.  Nagdulot ito ng daluyong. Malakas na flashflood ang naganap. Ang lahat ng tubig sa ‘water tank’ - na ang laki ay halos dalawang palapag na gusali - ay umagos, inanod ang lahat ng nahagip.

Mga bahay, sasakyan at maging ang istasyon ng pulis ay hindi nakaligtas.

Ayon sa mga nakaligtas, sisinghap-singhap sila. Sa kanilang pagkaka-himbing ay bigla silang nalulunod, akala ay nanaginip, totoong “bangungot” pala.


Sa unang ulat mula sa San Jose Del Monte City- PNP , may patay at maraming kaswalti.
At dahil sa malalim pa ang gabi ang mga "responder" ay hirap kumilos.
Nangangapa ang mga "rescuer" at kahit may kaalaman sa pagtugon sa mga tinatawag na "situation," ang trahedya sa Chelsea Subdivision ay naging hamon para sa kanila.

Ang dilim ng gabi ang una. At kahit wala na ang mapaminsalang tubig hindi agad nakakilos ang mga ‘rescue team,’ naghintay munang lumiwanag dahil nagkalat sa kalsada ang matatalim na yero at iba pang mga debris".
Kung ano man ang naging dahilan ng kagimbal gimbal na aksidente sa San Jose del Monte City Bulacan noong nakaarang Biyernes, isa lang ang sigurado, may nangyaring kapabayaan.

Ito ang iniimbestigahan ngayon ng mga otoridad.

Malungkot lamang dahil ang maaring makapagbigay ng pahayag o linaw sa trahedya, ang nakaduty na kawani ng San Jose Del Monte Water District ay isa sa mga nasawi.


Ang mga nasirang bagay ay maaring maibalik subalit ang buhay na kinuha sa trahedyang ito, katulad ng mga nangyaring kalamidad, kailan man ay hindi na maibabalik.

Kailangan may managot!
0000

Sa pangyayaring ito sa San Jose Del Monte City, bigla kong naalala ang nakuha kong kopya ng sulat ng Federation of Philippine Industries (FPI) sa Department of Trade and Industry (DTI) ilang araw lamang ang nakalilipas.
Ang sulat ay may petsang 04 October 2017, humihiling na magkaroon ng tinatawag na "post inspection" sa mga bag ng semento at bakal na inaangkat mula sa ibang bansa.
Ang trahedya sa Chelsea Subdivision ay naganap noong Ika-6 ng Oktubre.
Bungad ng sulat ang pagkabahala ng mga miyembro ng FPI sa walang humpay na pagpasok sa bansa ng mga substandard o mababang kalidad ng mga semento at bakal.

Ang mga nabanggit na produkto ay pangunahing sangkap sa imprastruktura o proyektong pagawaing bayan ng gobyerno at pagpapagawa ng mga bahay.
Natural lamang na ang “public safety,’ o kaligtasan ng publiko ay dapat maseguro laban sa mga mababang kalidad o despalinghadong mga produkto.
At dahil sa malakas ang demand sa semento at mga bakal ngayon resulta ng Buil Build project ng Administrasyong Duterte, ang tsansa na makalusot ang mababang kalidad ng mga semento at bakal ay malaki.

At bagamat may tinatawag na may ‘pre-inspection’ sa ‘port of origin ng mga semento at bakal , ang  ‘post inspection’ ay dapat ding isagawa ng mga inspector ng DTI, hiling ng grupo.

May punto, ‘better safe than sorry,’  kaysa magsisi sa huli.

(Published 10 October 2017)

Comments

Popular posts from this blog

Modern day slavery

Ang hirap maging mahirap

PBBM TO GOV’T AGENCIES: IMPLEMENT WATER CONSERVATION MEASURES