Akala mo “anghel” ‘yon pala ay ‘lobo’
Bago lumutang ang isyu kung ‘na-coma o nasa kama’ lamang si PDU30 nitong nakaraang ‘weekend,’ naging abala naman ang mga ambisyosong-pulitiko na pumosisyon para sa ‘2019 mid term elections. Lahat nagtutungo ngayon sa Davao City para makipagalyado sa Hugpong ng Pagbabago (HNP) ni Mayor Sarah Duterte. Bagama’t ang HNP ay isa lamang ‘regional party’ ayon sa mga ‘founder’ nito, ang mga ‘national party’ ay tiklop-tuhod na yumukod sa HNP, para sa ‘pagbabago at serbisyo-publiko.’ Lokohin ‘nyo ang lelong ‘nyo. Ang PDP-Laban, na gustong saniban ng lahat ng mga ambisyosong-pulitiko dahil ito ang partido nagdala kay PDU30 noong 2016 elections ay hindi pa kasama sa HNP. Bago daw makasama sa HNP, resolbahin muna ang paksiyon sa loob ng partido. 0000 Hanggang ngayon namamayagpag pa rin ang ‘traditional politics’ sa bansa. Ang kapangyarihang-pulitikal, nanatili pa rin sa iilang pamilya. At dahil kontrolado ng mga ‘political family’ ang gobyerno, normal lamang, na sila rin ang may kontro...