Astig ang dating.
May kaugnayan kaya ang
napaulat na kasunduang ‘ joint oil and gas exploration’ sa pagitan ng Pilipinas
at China ang nagaganap ngayong ‘militarisasyon’ sa pinagtatalunang mga isla sa
South China Sea o West Philppine Sea?
Noong buwan ng
Pebrero nagsimula ang paguusap ng tinatawag na ‘special panel’ na binubuo ng
mga ‘Filipino and Chinese expert’ para magbalangkas ng patakaran o guidelines
sa pagsasagawa ng ‘joint exploration’ sa pinagtataluang lugar.
Ang ‘special panel’
ay mahigpit na pinayuhan na hindi dapat maapektuhan ang usapin ng soberenidad
sa pinagtatalunang mga isla.
Sa pagdalo ni
Pangulong Duterte sa Boao Forum for Asia, naiulat na maganda ang takbo ng
paguusap ng ‘special panel’ at nabuo ang ‘political willingness’ na magkaroon
ng ‘deal.’
Sa oras na mabuo
ang mekanismo agad babalangkas ng ‘draft agreement’ para sa ‘joint oil and gas
exploration’ ng Pilipinas at China sa ilang isla sa Spratlys.
Inaasahan na ang
‘draft agreement’ ay lalagdaan sa nakatakdang pagbisita sa bansa ni Chinese
President Xi Jin Ping, sa buwan ng Nobyembre.
0000
Sa pangibabaw,
brusko ang dating ng China dahil ang matahimik na sitwasyon sa South China Sea
ay nabulabog resulta ng pagtatayo ng mga pasilidad-militar at ang pinakahuli ay
ang ulat na pag-landing at pag-take off ng mga Chinese bomber sa ilang mga isla
sa Spratlys na napakalapit lamang sa Pilipinas ganon na din sa iba pang mga
claimant-countries tulad ng Brunei, Malaysia, Vietnam at Taiwan.
Astig ang dating,
ika nga sa salitang kanto.
Kung matutuloy ang
‘joint exploration’ sa pagitan ng Pilipinas at China sa South China Sea, ang
usapin ng seguridad ang dapat, una sa lahat.
Sino ang pwedeng
magbigay nito laban sa mga pwersa maaring manggulo?
Ang
China lamang.
0000
Negosyo ang maaring
pagmulan ng sigalot sa South China Sea.
Ang ‘big business’
na dikit sa gobyerno ng mga malalakas na bansa ang maaring mag-uudyok para
magkaroon ng digmaan o “regime change” sa alin mang lugar sa daigdig.
Ang mga mailiit na
bansa ang ginagawang ‘pawn’ para sa kanilang ‘proxy war,’ at yan ang gustong
gawin sa Pilipinas.
Kung pumapalag ang
Estados Unidos, Japan at mga kaalyado sa pagiging brusko ng China sa SCS, bakit
hindi nila kumprontahin ang Beijing, at huwag isama ang Pilipinas sa kanilang
‘game plan.’
Sa ngayon malinaw
ang posisyon ng Pilipinas, kooperasyon at hindi kumprontasyon ang paninindigan
sa Spratly islands.
Comments